-- Advertisements --

Nangangailangan ng P1.3 bilyon ang Department of Education para sa pagsasaayos ng mahigit 9,000 na paaralan na nasira dahil sa magnitude 7 na lindol sa northern Luzon.

Ayon sa DepEd, na mayroong kabuuang 9,539 na paaralan ang naapektuhan ng malakas na lindol habang mayroong 226 ang nagtamo ng damyos kung saan 132 dito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 49 naman ay mula sa Iloco Region, 25 mula sa Cagayan Valley Region, 18 mula sa Central Luzon, isa sa Metro Manila at isa rin sa CALABARZON.

Aabot namans a 442 na silid aralan ang nagkaroon ng total damage kung saan 636 dito ang kailangan ng pagsasaayos.

Karamihan naman sa mga personnel ng apektadong paaralan ay bumalik na sa kanilang trabaho.