-- Advertisements --
Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga pribadong sektor na sumali sila sa 2025 Brigada Eskuwela.
Magaganap ang nationwide Brigada Eskuwela mula Hunyo 9 hanggang 13 bago ang pagsisimula ng pasukan sa darating na Hunyo 16.
Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara, na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang nasabing pagsisimula ng Brigada Eskwela.
Paglilinaw naman nito na hindi mandatory ang financial contributions mula sa mga magulang ng nasa private schools.
Dagdag pa ni Angara na ang nasabing Brigada Eskwela ay hindi lamang sa pagsasaayos ng mga paaralan at sa halip ay isang uri ito ng bayanihan.