-- Advertisements --

Mahigpit na babantayan ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan na lalabag sa kautusan ng pagsasagawa ng boluntaryong Christmas Party.

Kasunod ito sa naging kautusan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio na hindi kailangan magsagawa ng Christmas Party at kung magsagawa man ito ay boluntaryo lamang.

Nakasaad din sa Department Order na pagbabawalan ang anumang monetary contributions o maging ‘in-kind’ solicitation.

Opsyonal din ang pagdadala ng mga regalo, pagsusuot ng costumes at dekorasyon.

Ang nasabing kautusan ay bunsod na maraming magulang pa rin ang patuloy na bumabangon mula ng mahigit dalawang taon na COVID-19 restrictions.