-- Advertisements --
Magbibigay ang Department of Education ng dagdag na service credits sa mga guro na nag-overtime sa pagganap ng kanilang trabaho nitong Barangay at Sangguniang Kabtaan Elections 2023.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, limang araw na service credits ang ibibigay ng ahensya sa mga guro.
Pero nilinaw naman ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, na hindi pera ang service credits kundi leave credits na katumbas naman ng isang araw na sahod ng mga guro.
Nauna nang iniulat na sumulat ang grupo ng mga guro na Teachers’ Dignity Coalition sa Commission on Elections na sana ay mabigyan ng overtime pay ang mga guro, dahil sa dami kasi ng trabaho nitong eleksyon at may ilan sa mga guro ang tuloy-tuoy na nagtrabaho ng mahigit 24 oras.