-- Advertisements --

Nakahanda na ang Department of Education (DepEd) sa pamamahagi nila ng P5,000 cash allowance para sa mga guro para sa school year 2021-2022.

Kasunod ito ng inilabas na Joint Circular ng DepEd at Department of Budget and Management (DBM) para sa implementasyo ng Special Provision 11 ng 2021 General Appropriations Act (GAA).

Nakasaad sa special provisions na ang nasabing halaga ay gagamitin sa pagbili ng mga teaching supplies at materials para sa internet at ilang communication expenses at para rin sa taunang gasto sa medical examination.

Sinabi ni DepEd Undersecretary for Finance Annlyn Sevilla na maaaring maipamahagi ang nasabing halaga bago ang pagbubukas ng klase.

Noong nakaraang taon aniya ay P3,500 lamang ito ngayon ay tumaas at mayroon din aniyang trasportation and teaching aid allowance para sa mga nasa ilalim ng Alternative Learning Service (ALS).