-- Advertisements --

Inaasahang aabot sa humigit-kumulang 27 milyong mag-aaral mula preschool hanggang senior high school ang mag-eenroll para sa Taong Panuruan 2025–2026, ayon sa Department of Education. 

Ayon kay Assistant Secretary Jocelyn Andaya, patuloy na tinutugunan ng kagawaran ang kakulangan ng mga silid-aralan sa gitna nang pagdami ng mga estudyante. 

Nangangailangan ng 165,000 na mga silid-aralan sa pampublikong sistema ng edukasyon na layong ltugunan ng DepEd sa pamamagitan ng public-private partnerships. 

Samantala, magkakasa rin ang DepEd ng Oplan Balik Eskwela, kabilang ang Brigada Eskwela, mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 13. 

Makatutulong ang programa  upang mapabuti ang kalagayan ng mga silid-aralan.

Kinumpirma ni Andaya, na mayroong sira-sirang mga lamesa at upuan kung saan ginagawan na nila aniya ng paraan.

Aniya, aayusin nila ito sa abot ng kanilang makakaya.