-- Advertisements --
image 120

Dumipensa ang Department of Education (DepEd) sa panukalang P150 million pondo para sa confdidential expenses nito para sa susunod na taon.

Ipinaliwanag ng ahensiya na gagamitin ito para matugunan ang illegal recruitment activities sa mga paaralan sa buong bansa.

Kabilang na dito ayon kay DepEd Undersecretary at spokesperson Michael Poa ang pagkolekta ng mga impormasyon kaugnay sa illegal recruitment sa academic institutions na siyang gagamitin para makapagbalangkas at makapagpatupad ng mga targeted projects, mga aktibidad at mga programa laban sa mga bagay na naglalagay sa mga mag-aaral at guro sa panganib.

Una rito, nasa kabuuang P10.142 billion ang inilaan para sa confidential at intelligence fund para sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno para sa 2024 kung saan bulto nito ay mapupunta sa Office of the President na nasa P4.51 billion, P2.31 billion dito ay para sa intelligence expenses at P2.25 billion naman para sa confidential expenses.