-- Advertisements --
dotrsad

Plano ngayon ng Department of Transportation (DoTr) na magpatayo ng mga designated bus lanes katulad ng EDSA Carousel sa mga major thoroughfares sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro at Metro Manila gaya ng Commonwealth Avenue.

Ginawa ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pahayag matapos tanungin ni Senator Risa Hontiveros sa Commission on Appointments hearing kung ang EDSA thoroughfare lamang ba ang mayroong dedicated bus lane.

Sagot naman ni Bautista, sa tingin daw niya ay kailangang magkaroon ng masa ang maraming dedicated lanes.

Ito ay dahil na rin sa magandang resulta ng EDSA Carousel kaya naman pinag-uusapan na raw nila sa road sector ang posibilidad na magkaroon din ng dedicated bus lanes sa mga major thoroughfares gaya ng Quezon Avenue, Commonwealth Avenue at sa mga malalapad na mga kalye sa Metro Manila para mabigyan ng mabilis na transportasyon ang mga commuters.

Aniya, ang EDSA Carousel daw mula North Avenue patungong Ayala ay mas maiksi na sa 30 minuto ang biyahe.

Kaya naman maganda raw itong isagawa hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa iba pang dako ng bansa.

Labis namang ikinagalak ni Senator Hontiveros ang pahayag ni Bautista at sinabing puwede itong i-adopt at i-apply ang mga magandang model sa Jakarta, Indonesia na mayroon nang designated 388 kilometers na haba ng kalsada para sa bus lanes.