Naglabas na ng memorandum ang Department of transportation sa paghahanda ngayong darating na Todos los santos, ang Oplan biyaheng ayos : Implementation of heightened alert status sa Undas 2022.
Inaasahan na rin kasi ang dami ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya lalo na’t long weekend at araw ng mga patay.
Ayon kay Port Police Superintendent Sherwin Chavez ang division manager ng police division, handa na raw ang kanilang mga opisyal sa safety at mga pangangailangan ng mga pasahero na babyahe. Dagdag pa niya, nagpakalat na rin sila umano ng mga opisyal na magbabantay sa kaayusan ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Nagbigay rin sila ng paalala para sa uuwi, Lawakan lamang ang pasensya ayon sa Philippine Port authorities at sumunod na rin sa palatuntunin ng pulisya.