Positibo ang Department of Trade and Industry (DTI) na maaabot nito ang target na Domestic at Foreign Investment ngayong taon na nasa P1-trillion.
Sinabi ni DTI Undersecretary for Industry Development Group Perry Rodolfo na sa naturang target ay nakapagtala na ang Bureau of Investments ng P414-billion sa unang buwan ng 2023 o nasa mahigit 40 percent ng kabuuang target para sa taong ito.
Mas mataas ito kumpara noong 2022 na umabot lamang sa P729-billion at noong 2021 na P655-billion kumpara sa unang buwan ng taon 2023.
Dagdag pa ni Rodolfo na isa itong magandang indikasyon na maabot ng Pilipinas ang naturang target dahil sa masigasig na pagkalap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga karagdang mamumuhunan sa ating bansa.
Isa na dito ang karagdagang investment pledges ng maiuuwi ng Pangulo sa kanyang working visit sa Tokyo, Japan kung saan pinapurihan ang ating Pangulo sa kanyang ipinakitang gilas sa naturang bansa na nagbunga ng maraming bilateral cooperations at iba pang mga proyekto.
Saad pa ni Rodolfo na sa naturang kabuuang halaga ng investments ngayong taon ay posibleng mahigitan pa nito ang naturang target dahil unti-unti nang dumarating ang mga investments na pumapasok sa Bureau of Investments.