-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government unit (LGU) na sila ay mananagot kapag hindi ipinatupad ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga indoor events.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na kanilang pananagutin ang mga LGU sa hindi pagpapatupad ng indoor face mask wearing.

Ang hakbang ay kasunod ng panukalang pagluwag ng gobyerno sa pagsusuot ng face mask sa mga outdoor area.

Paliwanag pa ng kalihim na kanilang hihintayin muna ang polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagtanggal na ng pagsusuot ng face mask sa labas ng bahay.