Tinapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon ng isang lokal na kalsada sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.
Ang 1.848 kilometrong imprastraktura ay nasa barangay Rajal Centro.
Sinabi ni DPWH Nueva Ecija 2nd District Engineer Elpidio Trinidad na nagsimula ang konstruksyon noong Pebrero ngayong taon na may alokasyon na P15.2 milyon mula sa 2023 national budget sa ilalim ng Kalsada Tungo sa Patubigan program ng ahensya.
Ayon kay Trinidad ang na-rehabilitate na two-lane, five-meter wide road ay nagdulot ng positibong pagbabago para sa lokal na komunidad.
Binigyang-diin ni Trinidad na ang redevelopment at pagpapanatili ng kalsada ay mahalaga sa pagtutulak ng economic growth at pagpapahusay ng koneksyon sa mga komunidad ng agrikultura.
Ipinakita rin nito ang commitment ng ahensya sa pamumuhunan sa mga kritikal na proyektong pang-imprastraktura na nakakatulong sa pagpapabuti ng rural areas.