-- Advertisements --
PBBM ON NYSE

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maibigay ang pangangailangan ng mga overseas Filipino workers lalo na sa mga distressed Pinoy workers.

Sa kaniyang event sa New Jersey, sinabi ng Pangulo na kailangang maramdaman ng mga nangingibang bansang Pilipino na may gobyernong maaari nilang ituring na tahanan habang malayo sila sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Binigyang-diin nito na ito ang magiging katungkulan ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Dapa na magsilbing kanlungan ang dalawang nabanggit na kagawaran ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa abroad sa gitna ng ginagawang pakikipagsapalaran nila sa ibang bansa.

Pagtiyak naman nito na lahat ng maaaring maitulong sa mga OFW ay gagawin ng pamahalaan sa pamamagitan ng DFA at ng DMW.