Pansamantalang sinuspinde ng Department of Justice ang pagpapatupad ng nirebisang mga panuntunan para sa mga Pilipino na luluwas ng bansa.
Ang naturang bagong guidelines ay umani nga ng batikos mula sa publiko na humantong pa nga sa panawagan ng ilang mambabatas na magsagawa muna ng konsultasyon bago ipatupad.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Justice na mahalagang pag-usapan muna ang naturang isyu.
Binigyang diin rin ng ahensya ang mahalagang papel ng mga legislators upang maproteksyunan nito ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Pilipino.
Kung maaalala, naglabas ng resolusyon ang senado na nananawagan na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng bagong outbound travel guidelines.
Sinabi naman ni Former Solicitor General Florin Hilgay na ito ay isang unconstitutional habang iginiit rin ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na ang bagong guidelines ay pabigat lamang sa mga Filipino Travelers.