-- Advertisements --
covid 19

Iniulat ng Department of Health (DOH) na umaabot sa 15,314 ang kanilang naitala na mga nadagdag na COVID-19 cases sa nakalipas na linggo.

Sa pagitan ng Oct. 10 hanggang Oct. 16 lumalabas na nasa 2,188 ang daily infections na nai-record sa bansa.

Ito ay 7 percent na mas mataas kumpara sa naunang linggo.

Ito naman ang ikalawang linggo na ang lingguhang bilang na kabuuang mga dinadapuan ng virus sa bansa ay mas mababa sa 20,000.

Sa nakalipas din na linggo ang DOH ay nakapagberipika ng nasa 251 na dagdag pang mga nasawi na may kinalaman sa COVID-19.

Samantala, 1,938 na mga bagong nahawa sa virus ang naitala kahapon ng DOH.

Sa mga bagong nai-record na mga infections, umaabot sa 675 ang nagmula sa Metro Manila.

Meron namang 37 na mga nasawi ang nadagdag para umabot na sa 63,297 ang death toll sa Pilipinas.

Ang bilang naman ng mga active cases sa bansa ay nasa 25,848.