-- Advertisements --
image 41

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa sintomas ng Omicron subvarinat XBB.

Sa isang advisory na inilabas ng ahensiya, ibinabala ng ahensiya ang mga kumakalat na mensahe na iniuugnay sa Department Memorandum No. 2022-0578 ng DOH para magpakalat ng maling impormasyon kaugnay sa mga sintomas ng nasabing omicron subvariant.

Paliwanag ng DOH na ang nasabing dokumento ay inisyu para mapaigting ang surveillance activities sa gitna ng paglobo ng mga dinadapuan ng COVID-19 sa ibang bansa.

Muling binigyang diin ng DOH na ang sintomas ng covid-19 ay gaya ng sa flu katulad ng lagnat, ubo, pagkapagod, pagkawala ng panlasa o pang-amoy, pananakit ng lalamunan, sakit ng ulo, pananakit ng katawan, at pagtatae at iba pa.

Para naman sa mas maayos na pagsuri sa sintomas, payo ng DOH na magpakonsulta sa inyong physician o magtungo sa pinakamalapit na health facility,

Para naman mapigilan ang lalo pang hawaan ng deadly virus, ipagpatuloy pa rin ang pag-obserba sa proper sanitation, pagsusuot ng face mask, social distancing at maayos na bentilasyon.

Binigyang diin din ng ahenisya na ang pagbabakuna kontra covid-19 ay nananatili pa ring pinakamainam na depensa laban sa severe covid-19.

Hinimok din ng DOH ang publiko na tanging ang tamang impormasyon lamang ang ipalaganap mula sa kanilang official social media platforms.

Una ng nilinaw ng DOH na sa ngayon wala pang nadetect na kaso ng mas nakakahawang bagong Omicron subvariant XBB.1.5 sa ating bansa.