-- Advertisements --
image 48

Dumipensa ang Department of Health sa gitna ng talamak na text scams at spam messages kung saan karamihan ay naglalaman pa ng buong pangalan ng recepients o subscribers.

Sa pagdinig sa House appropriations panel, itinanggi ni DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire na ang kanilang contact tracing ang puno’t dulo o factor sa paglaganap ng naturang scheme dahil ang kanilang contact tracing applications ay sinuri mismo ng Department of Information Communications and Technology (DICT) at ng National Privacy Commission (NPC).

May partikular din aniya na requirements at conditions na sinusunod ang mga local government units para ma-establish ang nasabing mga application.

Kung kayat hindi aniya galing sa contact tracing efforts ng gobyerno ang pagkalat ng mga personal data.

Una ng inihayag ni Former National Telecommunications Commission (NTC) official Edgar Cabarlos na ang contact tracing forms ang maaaring source of information na ginamit sa naturang fraudulent messages.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng NPC at nakikipag-ugnayan na rin sa NTC hinggil sa naturang isyu.