
Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na nananatiling preliminary pa lamang ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa planong oil exploration sa West Philippine Sea.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla na ang napagkasunduan ay ipagpatuloy ang pag-uusap o negosasyon sa oil exploration na bunga ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Chinese President Xi Jinping sa Beijing noong nakalipas na linggo.
Subalit wala pang napagkakasunduan na mga isasagawang aktibidad sa may Recto Bank.
Pansamantala, ayon sa DOE chief itutuloy ang oil at gas development sa iba pang mga lugar sa bansa
Matatandaan, bago matapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte, isinulong ng Pilipinas ang pakikipag-dayalogo sa China para sa exploration at expoitation ng posibleng oil at gas reserves sa West philippine Sea.
Subalit noong Hunyo ng nakalipas na taon, sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr na kinasela ng Pilipinas ang pag-uusap.
Samantala, ibinunyag din ni Lotilla na nasa 9 na Chinese firms ang nangakong mamuhunan sa renewable energy sector ng bansa.










