-- Advertisements --
image 57

Naglunsad ang Department of Energy (DOE) ng contingency plan sakaling tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOE na titiyakin ng inilunsad nitong National Energy Contingency Plan (NECP) na ang sektor ng enerhiya ay mananatiling handa at matatag sa anumang sakuna gaya ng “The Big One”.

Pangunahing layunin nito ay nakatuon sa pagprayoridad sa pagpapanumbalik ng mga suplay ng kuryente upang matukoy ang mga kritikal na pasilidad gayundin ang alokasyon at pamamahagi ng mga produktong petrolyo sa mga natukoy na kritikal na pasilidad at mabilis na pagtugon sa mga kaugnay na epekto ng lindol sa domestic socio-political stability.

Sa pamamagitan ng Task Force on Energy Resiliency (TFER) na pinamumunuan ng DOE, ang naturang plano ay awtomatikong iaactivate at magiging responsableng organisasyon ng sektor ng enerhiya para sa pagtugon sa sakuna hanggang sa unang yugto ng recovery phase mula sa posibleng pinsala ng lindol.

Ang Task force din ang magiging pangunahing organisasyon na makikipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Logistics and Response Clusters at tutugon sa agarang pangangailangan sa pagpapanumbalik ng enerhiya sa ating bansa.