-- Advertisements --
image 167

Todo ngayon ang panawagan ng Department of Health (DoH) sa publiko na tumulog para bumaba ang bilang ng mga mayroong resistance sa antibiotics dahil na rin sa malawak na practice ng self-medication.

Sinabi ni DOH officer in charge Ma. Rosario Vergeire, kailangan daw ngayon ang whole of society approach para malutas ang naturang isyu.

Aminado si Vergeire na ang problema sa antimicrobial resistance ay tumataas sa bansa at ang pinaka-kritikal daw dito ay dadating na ang punto na ang mga ganitong ordinaryong ginagamit na gamot laban sa mga infection ay baka hindi na gagana sa ibang sakit ng Pilipino.

Ito ay dahil posibleng maging resistant na tayo sa hindi tamang paggamit at ang hindi tamang paggamit ng mga antimicrobials.

Sinabi ni Vergeire na ang antimicrobial resistance ay matagal na umanong problema sa health sector.

Paliwanag pa ni officer in charge ng DoH na kaugalian daw dito sa Pilipinas na imbes na pupunta sa mga kilinika at magpakonsulta sa doktor ay sila na ang nagp-prescribe sa kanilang mga sarili at sila na ang bibili sa mga botika.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na raw si Vergeire sa iba pang government agencies para mapalakas ang kanilang adbokasiya at ma-regulate ang antimicrobials.

Tinukoy din nitong nagpasa na raw ang gobyerno ng regulations na sumusuporta sa antimicrobial resistance sa mga nakalipas na taon.

Kabilang na rito ang requirement ng prescriptions para sa antibiotics purchases para maiwasan ang hindi paggamit ng mga gamot.