Nanawagan ang isang mambabatas na panahon na para maisama sa Universal Health Care Law ang dental health service.
Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes dapat palawigin ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang kanilang health packages at isama na dito ang dental health service.
Ayon kay Rep. Reyes, marami na silang natanggap na dental complaints na hindi dapat balewalain.
Napansin din ng mambabatas na karamihan sa mga nakatira sa mga malalayong lugar ang hindi nagpapa konsulta sa mga dentista dahil sa takot na kailangan nilang magbayad ng malaking halaga.
Sinabi ni Reyes na sa mga isinagawang dental mission ng party-list group, kapansin-pansin na marami ang nagpapatingin na isang indikasyon umano na maraming nangangailangan ng
serbisyong ito.
Siniguro ni Rep. Reyes na patuloy silang magbigay ng libreng health services sa mga kababayan natin na nasa malalayong lugar.
Nasa mahigit 500 residente sa mga bayan ng Valderrama, Patnongon, San Remegio, Sibalom, at Anini-y sa Antique ang nagpakonsulta, nagpabunot, nagpa-dental filling at nagpalinis (prophylaxis) ng ngipin.