-- Advertisements --

Magpapatupad ng kaukulang water conservation measures ang Department of Environment and Natural Resources upang tiyakin na sasapat ang suplay ng tubig sa bansa.

Sa gitna ito ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam na tinukoy na ng ahensya bilang nakakaalarma sapagkat ito ang nagsusuplay ng hanggang 90% na tubig sa Metro Manila, Rizal, at ilang bahagi ng Cavite at Bulacan.

Ayon kay DENR Undersecretary Carlos Primo David, sa ngayon kasi ay halos nasa 0.4 meter o kalahating Metro na ang ibinabababa ng water level sa naturang dam kada araw dahilan kung bakit kinakailangan na aniya na magpatupad ang ahensya ng kaukulang mga intervention para maagapan ito.

Dahil dito ay Inihayag ng opisyal na sa darating na buwan ng Mayo ay nakatakda ang mga ito na magpatupad prescribed conservation action na layuning tugunan ito.

Ang naturang water conservation measures AY kinabibilangan ng pagpapatupad ng regulation sa water supply at pressure nito, gayundin sa implementasyon ng pagbabawal sa paggamit hose sa pagdidilig, paghuhugas ng sasakyan, at marami pang iba.