-- Advertisements --

Bumabalangkas na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Extended Producer Responsibility (EPR) Act na nag-lapsed into law noong Hulyo ng kasalukuyang taon.

Ito ay kasabay ng pagtitiyak ng kagawaran sa Senado sa commitment nito na maregulate ang paggamit ng plastic packaging at mabawasan ang mga itinatapong basura.

Sinabi ni Undersecretary Jonas Leones sa Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar na nakapag-secure ng pondo ang ahensiya mula sa UN Development program para matulungan sila na makapaghanda para sa pagpapatupad ng EPR law.

Nabigyan ang DENR ng 90 araw para sa pagbuo ng IRR mula noong Agosto 13 nang maging epektibo ang ERP law.

Sa oktubre, isasapinal ang IRR at pag-review ng Executive commission.

Anim na buwan makalipas ang implementasyon ng batas simula sa Pebrero ng 2023, imamandato na sa mga enterprises na i-apply ang EPR program sa kanilang plastic packaging.

Una rito, target ng EPR law na marekober ang plastic packaging footprint ng 20% sa katapusan ng Disyembre ng taong 2023 at 80% sa December 31 ng taong 2028 at sa mga susunod na taon.

Inamyendahan nito ang 21 year old na RA 9003 o ang Ecologocal Solid Waste Management Act.