Reading Time: 1 minute

Sa unang pagkakataon ay inamin ni Dennis Padilla na siya ang nagpayo sa celebrity daughter na si Julia Barretto na iwan muna ang online world noong kasagsagan ng pagkakadawit ng pangalan sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ayon sa 57-year-old actor, pinagbakasyon nito ang 22-year-old actress na kung maaalala ay napaulat na sa Hong Kong namasyal.

“Ang sabi ko sa kanya (Julia), pahinga ka muna. Mas maganda, magbakasyon ka na muna. Kung wala pa naman siyang shooting or hindi naman siya gaanong busy, lumayo ka na muna sa social media. Antayin mo na munang mag-die down ‘yung issue,” ani Padilla.

Si Julia ang panganay niyang anak sa aktres at dating asawang si Marjorie Barretto.

Una nang inamin ni Anderson na nagkausap nga sila ni Dennis kung saan nilinaw daw nito na break na sila ni Alonzo.

Gayunman, si Dennis ang unang lumapit sa aktor upang paalalahanan ito sa pagiging ama niya kay Julia.