-- Advertisements --

Pinahihinto ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang demolisyon sa gusali ng Hotel Sogo sa Malate, Maynila na gumuho kamakailan.

Kung maaalala, dalawa ang patay habang 19 ang sugatan sa insidente matapos bumagsak ang bahagi ng naturang gusali.

Ayon sa DOLE, mapanganib para sa mga manggagawa ang pagta-trabaho sa paggiba ng lumang gusali.

Inimbitahan ng kagawaran ang mga opisyal ng establisyemento at subcontractor ng demolisyon sa isang hearing bukas ng alas-10:00 ng umaga.

Nagbabala ang Labor department sa mga lalabag sa kautusan dahil tiyak na may katapat itong parusa.

Una ng iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon sa insidente.