-- Advertisements --

Hiniling ng ilang mambabatas sa Kamara na tapusin muna ang deliberasyon para sa P4.506 trillion budget para sa taong 2021 bago makisawsaw sa nangyayaring agawan sa speakership post sa mababang kapulungan.

Sinabi ni House or Representative Committee on Appropriations chairperson Representative Eric Yap, dapat ay pagtuunan muna ng pansin ang budget deliberation para maibigay na ito sa senado sa Oktubre 14.

VC House or Representative Committee on Appropriations chairperson Representative Eric Yap

Noong nakaraang Miyerkules nang suspendihin ng Kongreso ang budget deliberations matapos ang ginawang pagpapahayag ni incumbent Speaker Alan Peter Cayetano ng kaniyang sama ng loob at paghahain ng resignation.

Kung maalala, nagkaroon ng “gentleman’s agreement” sa term-sharing sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Cayetano.

Uupo bilang house speaker ng Kamara si Cayetano sa loob ng 15 buwan at 21 buwan naman si Velasco.