-- Advertisements --

Nagbabadya na magkaroon ng panibagong lamat sa diplomatic relation ng China at Britain matapos na tanggihan ng House of Common authorities na dumalo ang delegasyon ng Chinese government para sa lying-in-state ng yumaong Queen Elizabeth II sa parliament.

Sinabi ni House of Commons Speaker Lindsay Hoyle na hindi niya inaprubahan ang request para payagan ang mga Chinese official na makapasok sa Westminster Hall kung saan nakalagak ang labi ni Queen Elizabeth na magtatagal hanggang sa araw ng kaniyang funeral sa Lunes, Setyembre 19.

Una ng naimbitahan ang lahat ng head of state na dumalo sa lying-in-state ng dating reyna ng Britanya sa Westminster Hall at para lumagda sa book of condolences sa Lancaster House.

Subalit, dahil may authority ang Commons and Lords speakers sa mga papayagang makapasok sa Westminster Hall na parte ng Westminster Palace, ginawa ni Hoyle ang naturang desisyon.

Magugunita kasi na noong nakalipas na taon, pinagbawalan na rin noon ng Commons and Lords speakers si Chinese ambassador Zheng Zeguang na makapasok sa parliament matapos na patawan ng Beijing ng sanctions ang ilang british politicians na naging kritikal sa pagtrato nito sa mga Uyghur na Muslim sa Xinjiang kung saan umiiral pa din hanggang sa ngayon ang ban at ang ipinataw na sanctions.