-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa binigyan nito ng prayoridad na taasan ang suweldo ng mga sundalo.

Kasabay ng 80th anniversary ng Department of National Defense (DND), inihayag ni Lorenzana na ang salary increase sa mga sundalo ay malaking “morale booster” sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na siyang nagbibigay inspirasyon para pag-igihan pa nila ang kanilang trabaho.

Binigyang-diin pa ng DND chief na ang pinakamalaking beneficiary sa pagtaas ng suweldo ng mga sundalo ay ang mga widow o biyuda at opisyal na nasawi sa labanan.

Sa kabilang dako, sinabi ni Lorenzana na “on track” ang kanilang modernization program at ang transformation roadmap nito.

Kaugnay nito, pinuri ni Lorenzana ang AFP na hindi natinag sa anumang hamon na kinaharap nito.

Sinisiguro aniya ng AFP na protektahan ang soberenya at territorial integrity ng bansa lalo na ang sovereign rights ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Umaasa naman si Lorenzana na magkaroon ng katuparan na mag-develop ng isang Defense Industry Hub sa bansa sa pamamagitan ng Government Arsenal.