-- Advertisements --
Kasabay sa paggunita ng Labor Day kahapon, isinagawa din ang culmination ng Duterte Legacy Barangayanihan caravan na pinangunahan ng DILG sa pakikipag tulungan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ang nasabing caravan ay dinaluhan ng ilang mga opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sa talumpati ng kalihim, kaniyang ipinagmalaki ang naging tagumpay ng pamahalaan laban sa insurgency.
Aniya, dahil sa whole of nation approached nagawa ng pamahalaan na patumbahin ang CPP NPA NDF.
Umaasa si Sec Lorenzana na sana maipag patuloy ito ng susunod na administrasyon.