-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang nga mga nasawi dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Carina, Butchoy at Habagat.

Base sa panibagong report ngayong araw ng Huwebes mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 40 ang nasawi.

Sa naturang bilang 14 na ang nakumpirma kung saan 5 dito ay mula sa Calabarzon, 4 sa Zamboanga Peninsula, 2 sa Central Luzon at tig-1 mula sa Northern Mindanao, Davao Region at Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao.

Nasa 26 na napaulat na nasawi ang isinasailalim pa sa beripikasyon kung saan 15 dito ay mula sa National Capital Region, 9 sa Calabarzon at tig-1 sa Ilocos region at BARMM.

Sa mga apektadong pamilya dahil na-displace sa pananalasa ng nagdaang kalamidad, nasa mahigit 1.4 million na o katumbas ng mahigit 5.4 indibidwal mula sa mahigit 4,000 barangay.

Sa ngayon, mayroon pa ring mahigit 10,000 pamilya ang nananatili sa mahigit 200 evacuation centers habang may mahigit 115,000 pamilya na lumikas ang nasa ibang lugar.

Sa mga kabahayan naman, kabuuang 2,504 ang nasira mula sa 15 rehiyon.

Sa sektor ng imprastruktura nasa tinatayang 4.99 billion ang naitala at P1.06 billion naman sa sektor ng agrikultura.