-- Advertisements --

Kinumpirma ni New York Governor Andrew Cuomo na naitala ngayong araw sa New York City ang pinakamababang bilang ng mga taong namatay dahil sa coronavirus.

Nakapagtala lamang ng 540 COVID-19 deaths ang naturang estado matapos pumalo sa 799 ang mga nasawi noong April 8.

Sa ngayon ay halos 13,000 katao na ang namamatay sa buong New York sanhi ng COVID-19.

Ayon kay Cuomo, nasa 17,000 katao ang kasalukuyang nasa ospital.

Posible aniya na narating na ng estado ang peak ng virus dahil unti-unti na raw bumababa ang bilang ng kaso rito.

Sa kabila nito, importante pa rin umano ang patuloy na pagpapatupad ng mga patakaran para tuloy-tuloy nang bumaba ang infection rate.