-- Advertisements --

Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga indibdiwal na namatay matapos ang missile strike ng Russia sa isang shopping center sa industrial city ng Kremenchuk sa central Ukraine ayon sa regional official .

Ayon kay Dmytro Lunin, head ng Poltava region military administration na nagpapatuloy pa ngayon ang search and rescue operations kung saan nasa 36 katao ang panibagong naiulat na nawawala.

Nasa 25 katao ang matinding nasugatan sa insidente na kasalukyang nakaadmit sa intensive are unit sa ospital sa naturang kabisera.

Una ng sinabi ng Ukarinian officials na daan-daang mga tao ang nasa loob ng mall ilang minuto bago tumama ang Russian KH-22 missile na mayroong explosive warhead na may bigat na 1 ton (2,240 pounds).

Samantala,humiling naman ang Ukraine ng pagpupulong sa UN Security Council ngayong araw para talakayin ang naturang insidente.

Nagpahayag din ng pagkondena ang international community habang tinawag naman ni Ukrainian President Volodomyr Zelensky ang naturang pag-atake ng Russia bilang most defiant terrrorist acts sa kasaysayan ng Europa.