-- Advertisements --

Pumalo pa sa 65 katao ang nasawi matapos tumama ang malakas na magnitude 6.8 na lindol sa southwestern province ng Sichuan kung saan nasa 200 katao ang nasugatan.

Nagpapatuloy pa rin ang rescue operation sa matapos ipag-utos ni President Xi Jinping ang pagsasagawa ng all-out efforts para mapababa ang bilang ng mga nasasawi kasunod ng pagtama ng lindol sa Luding County sa Ganzi Tibetan Autonomous Prefecture na may lalim na 16 kilometers.

Nagdeploy na ng mahigit 6,500 rescuers, apat na helicopters at 2 unmanned aerial vehicles habang mahigit 50,000 katao naman sa Ganzi at karatig na kabisera ng Ya’an na ang inilikas.

Nakapagatala na rin ng maraming aftershocks at ilang mga kalsada ang kasalukuyang hindi madaanan.

Sa mountainous town ng Moxi sa Luding County na wala ding suplay ng kuryente at komunikasyon at ang emergency power-generation equipment ang pansamantalang ginagamit ng mga residente.

Naglaan na ang Ministry of Finance at ang Ministry of Emergency Management ng 50 million yuan o $7.25 million para sa rescue at relief operation