Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga iniiwang patay ng nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro.
Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng Maco Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office, sa ngayon ay pumalo na sa 27 ang bilang ng mga indibidwal na napatay sa naturang trahedya.
Bukod dito ay iniulat din nito na sa umakyat na rin sa 32 ang bilang ng mga nasugatan indibidwal, habang lumobo pa sa 89 na katao ang napaulat na nawawala.
Kung maaalala, kahapon ay may milagrong nasagip ng buhay ng mga otoridad ang isang batang babae dalawang araw matapos ang nangyaring pagguho ng lupa sa naturang lugar.
Dahil dito ay mas pinalawig pa ng Maco MDRRMO ang kanilang search and rescue operations sa pag-asang may maisasagip pa silang mas maraming buhay mula sa nangyaring trahedya.