-- Advertisements --
Pumalo na sa 32 ang bilang ng mga namatay sa karahasan sa Gaza.
Ayon sa Palestinian health ministry, kabilang na sa mga namatay ang anim na bata.
Ang mga biktima raw ay namatay sa isinagawang Israeli strikes na ikinasugat din ng 215 na katao.
Ayon naman sa bansang Israel, namatay daw ang mga bata noong Sabado dahil sa rocket na pinakawalan ng Gaza militants patungong Israel.
Mayroon din umano silang “irrefutable” evidence na ang stray rocket mula sa Islamic Jihad militants ang siyang responsale sa pagkamatay ng mga bata sa Jabalia, northern Gaza.
Hindi pa naman daw malinaw kung ilang bata talaga ang namatay sa insidente sa Jabalia.