-- Advertisements --
Tumaas pa sa mahigit 30 katao ang death toll o bilang ng mga nasawi matapos ang pagtama ng Russian strike sa isang apartment block sa Donetsk region ng eastern Ukraine.
Magugunita na noong nakalipas na linggo, tumama sa residential building sa bayan ng Chasiv Yar matapos ang pambobomba ng Russia sa mga lungsod at bayan sa eastern Ukraine sa pagtatangkang makontrol ang buong Donbas area.
Ayon kay Pavlo Kyrylenko, head ng Donetsk region military administration, nasa 34 katao ang nasawi kung saan kabilang sa namatay ang isang bata habang nasa 9 naman ang nasugatan sa pag-atake.
Nagpapatuloy pa rin ang rescue operation kung saan nasa 70% na ang na-clear ng Emergency Services mula sa gumuhong gusali.