Pumalo na sa 299 ang bilang ng mga napapatay na teroristang Maute sa mahigit isang buwan na labanan sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces fo the Philippines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, sa nasabing bilang ng mga nasawing terorista, higit kalahati ang body count.

Kinumpirma ni Padilla na sa mga napatay na terorista, dalawang bangkay na narekober ng militar ay mukhang taga-Middle East.

Sa ngayon nagpapatuloy ang opensiba ng militar laban sa Maute Group at sinimulan na rin ang retrieval operations sa ilang mga barangay sa Marawi.

Binigyang-diin ni Padilla na mahirap magtakda ng deadline sa kung kailan matatapos ang krisis sa Marawi.