-- Advertisements --
trump pence whitehouse

Muling nakapagtala ng pinakamaraming namatay sa loob lamang ng isang araw ang Estados Unidos.

Umabot sa 917 ang pumanaw dahil sa coronavirus nitong nakalipas na 24 oras.

Ito na ang record high mula nang magsimula ang COVID outbreak sa Amerika.

Sa ngayon umaabot na sa 4,745 ang death toll sa US.

Una nang nagbabala si US President Donald Trump at ilang eksperto na lalo pang lalala ang mga kaso sa kanilang bansa.

“Nobody’s ever seen anything like this where large groups of people all of a sudden just by being in the presence of somebody have it,” ani Trump sa ginanap na coronavirus task force briefing.