-- Advertisements --

Pinuri ng Department of Budget and Management (DBM) ang Commission on Higher Education (CHED).

Ito ay matapos na mahigitan ng kagawaran ang kanilang physical target noong 2021 sa kanilang paggamit ng pondong inilaan ng pamahalaan para dito.

Sa isan statement ay sinabi ni DBM Undersecretary Tina Rose Marie Canda na ang mga accomplishment na ito ng CHED ay patunay lamang ng pangako nito na maghatid ng dynamic tertiary education services sa publiko.

Mas mataas kasi ang naitalang financial performance ng kagawaran kung saan ay umabot ito sa 92%, na mas mataas sa 82% na una nitong naitala noong taong 2020.

Samantala, sinabi naman ng CHED na napunta sa kanilang dalawang pangunahing programa ang pondong inilaan para sa kanila ng gobyerno.

Kung saan hinati nito sa kanilang Higher Education Regulation Program (HERP) at Higher Education Development Program (HEDP) ang inilaang Php 427.853 milyon at P49.962 bilyon na national budget noong 2021.