-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Department of Budget Secretary Wendel Avisado ang 2020 national budget laban sa alegasyon na naglalaman ito ng ‘pork barrel’.

Sinabi nito na ang P4.1 trillion General Appropriations Act of 2020 ay malinis at walang anumang nakatago.

Kinikuwestiyon kasi ng ilang mga kongresista na ang budget ay naglalaman ng P1.7 trillion na pondo na hindi na-itemized.

Iginiit pa rin ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na ang special purpose funds ay maituturing na pork barrel.

Ilan sa mga special purpose funds sa 2020 Budget bill ay ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund, Contingent Fund, Pension and Gratuity Fund at Miscellaneous Personnel Benefts Fund.