Nakatuon ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagpapalakas ng mga proyektong naglalayong pagandahin ang mga oportunidad sa trabaho sa bansa.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah F. Pangandaman na ang job-enhancing initiatives ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay inilaan ng panukalang budget na P5.76 bilyon para sa 2024.
Tatlong programa sa ilalim ng DOLE at TESDA ang tatanggap ng karagdagang pondo sa susunod na taon.
Isa sa mga programang ito ay ang Government Internship Program (GIR), na nagbibigay ng tatlo hanggang anim na buwan ng mga pagkakataon sa internship para sa mga indibidwal na interesado sa serbisyo publiko at nagtatrabaho para sa local o national government.
Ang programa ay naglalayong tulungan ang 13,554 na kabataang manggagawa.
Para sa 2024, ang panukalang budget para sa internship program ay P807.716 milyon, mas mataas kaysa sa P707.7 milyon ngayong taon.
Ngayong taon, mahigit 72,109 na benepisyaryo ang na-accommodate na mga kabataang manggagawa at inaasahan namang aabot sa 99,983 Filipino youth ang matutulungan sa susunod na taon.