Nakapaglabas na ang Department of Budget and Management ng mahigit P91 billion na pondo na nakalaan para sa public health emergency benefits at allowances ng lahat ng mga health worker mula 2021 hanggang 2023.
Ang naturang pondo ay ipinamahagi ng Department of Health bilang implementing agency kung saan noong 2021 nasa kabuuang P12.1 billion ang nailabas na, P28 billion naman noong 2022, P31.1 billion para sa 2023 at P19.962 billion para sa 2024.
Kabilang sa nailabas na pondo ay para sa health emergency allowance, one time COVID-19 allowance at special risk allowance gayundin ang Covid-19 sickness at death compensation at iba pang benepisyo gaya ng meal, accommodation at transportation allowance.
Samantala, kinukumpleto pa ng DOH ang health emergency allowance mapping na inirekomenda ng DBM na magpipresenta ng lahat ng claims at payments ng regional o health facilities.
Sa pagpupulong naman ng w ahensiya, napagkasunduan na dapat maisapinal ang hindi pa naibibigay na claims para matukoy kung kailangan pa ng karagdang pagpopondo.
Nangako naman ang DOH na isusumite nito ang health emergency allowance mapping kasama ang pinal na halaga ng computed public health emergency benefits and allowances deficiences ngayong Marso.