-- Advertisements --
Mayroon ng sapat na pondo na nakalaan para sa pagpapatuloy ng paghahatid ng libreng sakay sa mga pasahero ng EDSA Bus Carousel hanggang sa buwan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.
Ito ang kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) chief Jaime Bautista.
Una ng inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Cheloy Velicaria-Garafil na mayroon lamang pondo ang ahensiya para sa Libreng sakay program hanggang sa Setyembre.
Ayon naman sa DOTr chief, ang tiyak pa lamang ay extended ang Libreng Sakay hanggang sa December 31 ng kasalukuyang taon at wala pang ibinigay na detalye kung magpapatuloy ito sa susunod na taon.