Magpapatupad ng extensive reform agenda ang ang Department of Budget and Management (DBM) sa kanilang Procurement Service (PS)-DBM partikular procurement procedures nito upang mas lalong matiyak ang transparency sa ahensiya.
Ito ang inihayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa gitna ng ipinupursigeng full digitalization sa mga public procurement process.
Sinabi ni Pangandaman na kamakailan lamang ay nakipag- pulong sa United Nations Development Programme si PS-DBM Executive Director Dennis Santiago na kung saan ay napag- usapan ang pagbalangkas ng comprehensive acquisition process na aniyay magpapalakas sa integridad ng PS-DBM bilang government central purchaser.
Bahagi naman ng magiging hakbang sa pagpapatupad ng reporma ay ang ikakasang organizational restructuring sa PS-DBM.
Idinagdag ni Pangandaman na itataguyod din nila ang Green Public Procurement initiative o responsible procurement na naglalayong labanan ang korupsiyon, mga mga hindi malinaw na pagpapatupad ng procurement policy na nauuwi sa interpretational ambiguities na nagiging sanhi ng service delivery delays.










