-- Advertisements --
Ipipresenta ng Department of Budget and Management (DBM) sa susunod na linggo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga pagbabago sa goverment procurement law.
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na binanggit ng pangulo ang nasabing amendments sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address.
Pagtitiyak nito na dumaan sa pag-aaral ang nasabing mga pagbabago o mga amendiya ng nasabing batas.
Umaasa din nito na agad na maaprubahan ng Pangulo ang nasabing mga amendments.