-- Advertisements --
DBM

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang special allotment order para sa pagpapalabas ng P3.84 billion na pondo para sa mga college students sa buong bansa.

Ang naturang pondo ay sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education-Tertiary Education Subsidy (UAQTE-TES) na sasaklawin ng Commission on Higher Education (CHED).

Batay sa inilabas na statement ng DBM, ang naturang pondo ay inaasahang magagamit para sa matulungan ang hanggang 141,000 tertiary education students.

Ang mga ito ay mabibigyan ng libre habang ang iba ay subsidized tuition fee.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na makakatulong ito upang maibsan ang pasanin ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral, at makakahikayat sa marami sa kanila na ipagpatuloy pa ang kanilang edukasyon.

Ang naturang pondo ay payable sa lahat ng mga private higher education institutions sa mga munisipalidad at mga syudad na walang state universities and colleges, o walang local universities and colleges, sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education.