-- Advertisements --
image 470

Nakatakdang ipagdiwang ng buong Davao Region ang unang anibersaryo ng pagiging insurgency-free nito bukas, Oktobre-27, araw ng Biyernes.

Maalalang idineklara ang buong Davao Region bilang insurgency-free noong Oktobre-27 ng nakalipas na taon, matapos matiyak ang kawalan ng impluwensya ng insurhensiya sa naturang rehiyon.

Ayon sa pamunuan ng 10th Infantry Division, Phil Army, magpapatuloy pa rin ito sa pagbabantay sa buong Davao Region labans a posibleng resurgence o muling pagkakabuo o ng New People’s Army na matagal din umanong sumakop sa rehiyon, lalo na sa mga liblib na brgy nito.

Sa kasalukuyan, sinabi ng 10th ID na nagsasagawa rin sila ng Focus Military Operations upang masigurong ang mga mga NPA na lumipat sa ibang lugar para magpalamig, ay tiyak nang hindi babalik o hindi na bubuo pa muli ng kanilang mga sariling grupo .

Tinitiyak din ng 10ID na nilalawakan pa nito ang intelligence monitoring lalo na at mayroon pa umanong mga legal front ng NPA sa naturang rehiyon.