-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Oriental ngayong linggo, alas- 7:00 ng umaga, Enero 8, 2023.
Naitala ng Philippine Institute of Vocanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol sa 07.53°N, 126.46°E – 012 km S 66° W sa munisipalidad ng Banganga, na may lalim na 129 kilometro.
Sinabi naman ng PHIVOLCS na walang napinsala ngunit maaaring may mangyaring mga aftershocks dahilan na pinag-iingat ang mga residente sa nasabing lugar.