DAVAO CITY – Kabilang ngayon ang lalawigan ng Davao del Sur at Davao City sa mga kinokonsidera na high-risk area sa Coronavirus disease (COVID-19) matapos ang pagtaas ng bilang nito sa nakaraang linggo.
Ayon sa huling OCTA Research Covid-19 Monitoring Report, ang Davao del Sur at Davao City ang mga areas malibas sa Luzon ang lumalala ang kaso ng virus sa gitna ng pagbaba ng mga kaso sa Covid sa Pilipinas.
Kung maalala, ilan sa mga area na mataas ang kaso ng Covid-19 ay kinabibilangan ng Baguio City, Iloilo, kabilang na ang Iloilo City, Misamis Oriental, Cagayan de Oro, Negros Occidental, kabilang na ang Bacolod, Nueva Ecija, Quezon, Pangasinan, kabilang na ang Dagupan, South Cotabato, kabilang na General Santos, Surigao Del Sur, Western Samar at Zamboanga Del Sur, kabilang na ang Zamboanga City.
Base sa report, mayroong pagtaas g 1,000 kada araw ang naturang mga lugar kung ikukumpara sa nakaraang linggo sa nasabing mga areas.
Sinasabing ang team mula sa OCTA Research, isang independent at interdisciplinary research group sa academics mula sa University of the Philippines (UP) at University of Santo Tomas ang nagmomonitor ng COVID-19 cases sa bansa at nag-obserba ng pagtaas ng hospital occupancy sa nakaraang Setyembre 7 hanggang Oktubre 5.