-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ni dating world number one Angelique Kerber ang kaniyang pagbubuntis.

Dahil dito ay hindi na makakasali ang 34-anyos na German tennis player sa US Open na magsisimula sa susunod na linggo.

Huling naglaro ito sa Wimbledon kung saan natalo siya sa ikatlong round kay Elise Mertens ng Belgium.

Unang nagwagi ito ng Grand Slam sa Australian Open noong 2016 bago magwagi sa US Open.

Sinabi nito na magpapahinga siya at kapag nanganak na ay muli itong maglalaro.